“Prinsipyo ng Lipunang Pilipno”
Ang alamat ng gubat ay sumasailalim sa pagkatao ng bawat Pilipino. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat ay mayrong sariling prinsipyo at pangmataasan ng ugali. Ang alamat ay hindi lamang ordinaryong kwento, pinapakita din ito ang pagkakaugnay-ugnay ng mga tao. Ang bawat Pilipino ay gagawin ang lahat para lang sa pamilya. Ang bawat karakter sa alamat ng gubat ay nagpapakita ng pangmataasang ugali sa bawat isa, Isa na dito ang mga hayop at insekto na inaawayan kung sino ang maghari. Sa paglalakbay ni tong sapaghahanap ng puso ng saging marami pang nadaanan bago makarating sa puso ng saging. Mahahalintulad ito sa Pilipino na maraming dadaanan na problema at pagsubok na tatalakayin bago makuha ang inaasam. Ang alamat ng gubat ay hindi lang pambata na kwento ito ay sumasalamin at ordinaryong pangyayari sa mga tao sa lipunan na ang ibang tao gustong makuha kung ano ang gusto.
Mula sa mambabasa makakakuha ito ng magandang halimbawa ng mga tao dahil sa kasalukuyan ngayon ang mga tao ay unti-unti nang nawalan ng prinsipyo sa sarili. Sa panahon ngayon ganyan ang nanyayari sa ating bansa na ang taong gusto maging lider ay gusto lang para umangat ang sariling kapakanan hindi sa lahat. Sa alamat ng gubat ni bab ong ay kailangan mong may disciplina at prinsipyo sa sarili dahil ito nakapagbigay ng magandang halimbawa ng mga tao. Ang pagiging isang Pilipino ay merong mapangapi at may inaapi. Ang panahon natin ngayon ay imbis na umunlad tayo, nag hilaan pababa ang mga tao sa tingin na nauuna ang iba. Ang paghahanap sa puso ng saging ang halimbawa nito dahil sa kagustuhan ng bawat isa na magkaroon ng kakaibang kapangyarihan pag napasa ang puso ng saging. Ang isa pa ay ang dayaan at suhulan na nangyayari din sa ating pamahalaan ay makikita rin ito sa eleksyon noon na sihulan ang mga tao. Mababatid natin ang suhulan ng kuneho sa mga langaw na kung saan pinipili ang kuneho para itong maging hari ng gubat.
Sa kabuuan ng kwento matutunan ng mambabasa ang kwento ng gubat na sa huli ay nagsasalita si matsing “Handa ba bang magtanim ng batas sa gubat, talangka? Kaya mo bang ipag-utos sa mga hayop ang respeto? Desidido ka bang damitan sila ng dangal at prinsipyo? Determinado ka bang sugpuin ang kabangisan? Nais mo bang magturo ng malasakit sa kapwa at pagkakaisa? Kakayanin mo bang magpadikta sa bulong ng konsensya?” Lumundag si Matsing sa harapan ni Tong para sa huling hamon: “Gusto mo ba talagang makialam sa natural na takbo ng buhay—sa gubat”Ang mga salitang iyan ay mas bubuo sa pagkatao ng pagka Pilipino sa ating bayan, bilang isang kabataan ito ang kaharap na pagsubok natin ngayon na naging apektado ang lahat ng Pilipino ngayon sa paguugali kung paano ito dadalhin.