Monday, 15 July 2019

Filipino sa Piling Larang (talumpati)

Talumpati Para sa Kahirapan


Sa aking  pinakammahal na guro, magandang umaga. At sa aking mga masasayahin at aktibong mga kaklase, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang inyong mga taynga at puso.

Ako ay  may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon? O kahirapan? Sa aking matagal at masinsinang pagninilay-nilay, aking napagtanto na lahat ng mga problemang aking nabanggit kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan.
Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng  kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan.
Isa sa pangunahing dahilan nito ay ang mga korap na opisyal ng gobyerno. Ninanakaw nila ang ang kaban o pondo ng ating bansa na para sana sa ikauunlad ng mamamayang ng lipunan, ngunit napupunta sa sariling bulsa ng mga opisyales, kung kaya naman mas ramdam natin ang krisis. Isa pang dahilan ay ang kawalan ng mapapasukang trabaho ng mga tao kasabay ng sunod-sunod na pagtaas ng mga bilihin s a pamilihihan. Paano kaya tayo makararanas ng isang matiwasay na pamumuhay kung ang mga pangunahing pangangailangan pa nga lang ay hindi na natin kayang tustusan?
Isa pang dahilang ng kahirapan ay ang katamaran at maling pag uugali nating mga Pilipino. Ang katamaran ang nagunguna sa mga dahilan ng paghihirap ng mga tao. Wala silang tiyaga na maghanap ng mga posibleng paraan kung paano nila iaangat ang buhay nila sa kahirapan na kanilang tinatamasa. Ang mga oportunidad ay nababalewala dahil ang mga tao ay nakukuntento na sa salat nilang pamumuhay.
Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng salat? Bakit nga ba hindi tayo makaahon sa kahirapan? Kailan pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay?
Ako bilang isang kabataan, ay may layunin akong gawin ang aking makakaya para hindi maging isang mahirap at hindi maituring na isang basura lamang sa aking lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap na  makapagtapos ng aking pag-aaral nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kailangan nating  magkaisa tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may magagawa para sa ikakaunlad  ng ating lipunan, isang lipunan na magagamit,maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.
Ano pa nga bang hinihintay natin, kapag pantay na ba ang paa ng tao? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa upang sigarudo ang ating kinabukasan!

No comments:

Post a Comment

filipino sa piling larang (sintesis)

“Prinsipyo ng Lipunang Pilipno” Ang alamat ng gubat ay sumasailalim sa pagkatao ng bawat Pilipino. Ang bawat karakter sa alamat ng guba...